Martes, Oktubre 3, 2017

Nutrition Month

Sa Buwan ng Hulyo 2017,ginawa ang Nutrition Month sa Carmen Senior High na may temang 'Healthy Diet gawing Habit for Life'. Ano ba ang ibig sabihin ng temang iyan? Para sa akin, dapat nating ugaliin ang pag kain ng mga masusustansyang pagkain tulad Gulay at Prutas.
Bago sinimulan ang palatuntunan ay nagsagawa muna ng Parade. Kaya nang makarating na muli sa paaralan agad na sinimulan ang programa at sa pagbungad ng palatuntunan agad namang sinimulan ang isang panalangin at pambungad na salita sa panguguna ng piniling guro. Ang kasunod ay pinagawa ang bawat strand ng jingle o yell upang ito'y kanilang i'perform. 
Marami ring mga patimpalak ang inihanda ng mga guro tulad ng Poster making,slogan at iba pa. May mga nagtitinda rin ng mga gulay at prutas upang mahikayat ang lahat na kumain nito para sa ating healthy life. At panghuli, nagsagawa ng feeding ang bawat strand at masayang nagsama-samang kumain.




Buwan ng wika




Kapag sasapit ang buwan ng agosto,lahat tayo ay nagsasagawa ng buwan ng wika sapagkat ito ay sumisimbolo sa ating pagka PILIPINO. Kaya nung unang araw ng agosto agad naming sinimulan ang palatuntunan. Bago pa riyan, ipinapaalam sa mga mag-aaral na mag salita ng wikang Filipino upang iparating sa ibang mga kabataan na ating pahalagahan at pakamahalin ang ating wika.

Bakit nga ba dapat nating ipagmalaki ang ating wika? Simple lang, dapat nating ipagmalaki ang ating wika sapagkat nakigpaglaban ang ating mga  bayani sa mga nanakop sa ating bansa upang makamit natin ang ating kalayaan. Kaya bilang pag gunita sa kanilang pagbubuwis buhay ay dapat nating ipagmalaki ang ating wika.

Kaya sa Carmen Senior high, naganap ang buwan ng wika sa pangunguna ni G. Mecompal at sa ibang mga guro. At sa pambungad ng palatuntunan hindi mawawala ang panalangin at kasunod nito ang talumpati na ginawa ni G. Mecompal. Marami ring mga patimpalak ang inihanda kaya obligado ang lahat ng mga strand na sumali sa mga paligsahan. 

Biyernes, Setyembre 22, 2017

Brigada Eskwela


Bago paman magsimula ang Unang pasukan sa paaralan ay isanasagawa muna ang pag bibrigada sa lahat ng public school lamang. Maraming tumutugon rito sapagkat alam nating lahat na ito'y ating gampanin, ang alagaan at panatilihing malinis ang paaralan. Kaya dapat bago ang unang pasok malinis na ang mga paaralan. 
Sa unang araw ng brigada,alam nating marami ang lilinisin sapagkat ilang buwan rin ang nakakalipas na hindi na nalinisan ang paaralan. Kaya napapansin ko sa unang araw ng brigada ay kakaunti pa lang ang nanglilinis at nagiging marami lang kapag malapit na ang pasukan. May iba rin na nagbibigay lamang ng donasyon para may magamit sa pagbili ng mga gamit. 
Hindi madaling linisan ang paaralan ng Carmen Senior high lalo pa't bago pa lang ito natapos pero kahit papano na kaya rin itong limisan at naging maganda lalo. May mga guro ring tumutulong sa paglilinis nga mga silid aralan. Kaya bago ang unang pasukan malinis na ang paaralan.