Sa Buwan ng Hulyo 2017,ginawa ang Nutrition Month sa Carmen Senior High na may temang 'Healthy Diet gawing Habit for Life'. Ano ba ang ibig sabihin ng temang iyan? Para sa akin, dapat nating ugaliin ang pag kain ng mga masusustansyang pagkain tulad Gulay at Prutas.
Bago sinimulan ang palatuntunan ay nagsagawa muna ng Parade. Kaya nang makarating na muli sa paaralan agad na sinimulan ang programa at sa pagbungad ng palatuntunan agad namang sinimulan ang isang panalangin at pambungad na salita sa panguguna ng piniling guro. Ang kasunod ay pinagawa ang bawat strand ng jingle o yell upang ito'y kanilang i'perform.
Marami ring mga patimpalak ang inihanda ng mga guro tulad ng Poster making,slogan at iba pa. May mga nagtitinda rin ng mga gulay at prutas upang mahikayat ang lahat na kumain nito para sa ating healthy life. At panghuli, nagsagawa ng feeding ang bawat strand at masayang nagsama-samang kumain.
Kapag sasapit ang buwan ng agosto,lahat tayo ay nagsasagawa ng buwan ng wika sapagkat ito ay sumisimbolo sa ating pagka PILIPINO. Kaya nung unang araw ng agosto agad naming sinimulan ang palatuntunan. Bago pa riyan, ipinapaalam sa mga mag-aaral na mag salita ng wikang Filipino upang iparating sa ibang mga kabataan na ating pahalagahan at pakamahalin ang ating wika.
Bakit nga ba dapat nating ipagmalaki ang ating wika? Simple lang, dapat nating ipagmalaki ang ating wika sapagkat nakigpaglaban ang ating mga bayani sa mga nanakop sa ating bansa upang makamit natin ang ating kalayaan. Kaya bilang pag gunita sa kanilang pagbubuwis buhay ay dapat nating ipagmalaki ang ating wika.
Kaya sa Carmen Senior high, naganap ang buwan ng wika sa pangunguna ni G. Mecompal at sa ibang mga guro. At sa pambungad ng palatuntunan hindi mawawala ang panalangin at kasunod nito ang talumpati na ginawa ni G. Mecompal. Marami ring mga patimpalak ang inihanda kaya obligado ang lahat ng mga strand na sumali sa mga paligsahan.